Pasay News

Pasay launches Kandili ng Kalusugan Mobile Clinic program
Personal na inasikaso ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang isinagawang Kandili ng Kalusugan Mobile Clinic para sa Barangays 155, 156 at 186 ngayong February 23.
Ito ay isa sa mga hakbanging patuloy na itinataguyod ni Mayor Emi sa pamamagitan ng kaniyang H.E.L.P. priority agenda: (H) Healthcare and Housing; (E) Education, Economic Growth and Environment; (L) Livelihood and Lifestyle; at (P) Peace and Order, Palengke at Pamilya, katuwang si Congressman Tony Calixto, Vice Mayor Boyet Del Rosario at ang City Council.
Kaagapay sa programa ngayong araw sina Brgy. 156 Captain Eduardo Pingol (kasama ni Mayor Emi sa unang larawan), Dr. Virgilio Danao at Dr. Roselyn Solomon. Tumulong sa pangangasiwa at sa pag-aabot ng mga gamot at bitamina sa mga benepisyaryo ang Mayor’s Office staff na pinangunahan ni Ms. Bless Moreno.